14,000 residente inilikas mula Basilan, Zamboanga Sibugay

UMABOT na sa 14,000 mga residente ang inilikas ngayon matapos na maapektuhan ng mga labanan sa Basilan at Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na nasa 1,100 na pamilya o kabuuang 5, 500 na indibidwal ang inilikas mula sa Zamboanga Sibugay samantala aabot naman sa 8,500 na katao ang umalis sa kanilang tahanan sa Basilan dahil sa patuloy na sagupaan ng mga sundalo at MILF.

Tiniyak ni Soliman na nabibigyan ng mga kailangan ang mga residenteng inilikas na pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation center.

Ayon sa opisyal, sinisikap nilang maging normal ang takbo ng buhay ng mga apektadong residente kahit nasa evacuation center ang mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply