145 kilo ng karne nasabat sa Blumentritt Market

NASA 145 kilo ng panindang karne ang nasabat ng Manila City Hall sa Blumentritt Market.

Ang mga nakumpiska ay kinabibilangan ng hindi rehistradong processed meat products.

Ito ay matapos na mag-inspeksyon ang Manila Veterinary Office sa naturang pamilihan.

Nahuli rin sa operasyon ang isang tinderang nagbebenta ng mga luma o “expire” na hotdog, embutido, ham, siomai at longganisa.

Sinabi ni Dr. Joey Diaz ng Manila Veterinary Office, labag sa Consumer Act ang pagbebenta ng mga luma o expire na produkto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply