15-anyos na dalagita niluray ng amain

HIMAS-REHAS na ngayon ang isang lalaki matapos halayin ang 15-anyos na anak ng kinakasama sa Caloocan City kagabi (Oktubre 5).

Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Roger Bangero, 30, ng Nadurata St., 3rd Avenue ng lungsod.

Sa pahayag ng 15-anyos na biktima, dakong alas-6:00 ng gabi, nagising siya nang maramdaman na may tumabi sa kanya.

Pagmulat ng biktima ay nakita niya ang suspek kung saan agad na tinakpan ng huli ang bibig ng biktima upang hindi makagawa ng ingay.

Tinakot ng suspek na may masamang mangyayari kapag pumalag ang biktima na naging dahilan upang tuluyang mahalay ng amain.

Nang makaraos ay lumabas na ng silid ang suspek habang nagawang makapagsumbong ng biktima sa kanyang ina.

Sinamahan ang biktima ng kanyang ina sa presinto at ipinadampot ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply