15 bagong puntod natagpuan sa nakubkob na kampo

BAGONG 15 puntod ang nadiskubre ng militar sa kampo ng mga bandido sa Sitio Talaib, Barangay Labatan, Payao,  Zamboanga Sibugay.

Ito ang napag-alaman matapos ang personal na pagbisita sa lugar si Western Mindanao Command (Westmincom) chief Lt. Gen. Raymundo Ferrer makaraang makubkob ang kampo sa patuloy na operasyon laban sa mga bandidong pinamumunuan ni Waning Abdusalam.

Naniniwala si Ferrer na naglalaman ng mga nasawing rebelde ang mga bagong hukay na puntod.

Maliban dito nakarekober ng militar ang dawalang 50 caliber machine gun na pinaniniwalaang pag-aari ng mga tiwaling miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa ngayon nagpapatuloy ang clearing operations ng militar sa lugar lalo’t pinaniniwalaang maraming itinanim na landmines.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply