15 bagong testigo sa 2007 poll fraud lumantad

LUMANTAD ang 15 bagong testigo sa umano ay naganap na dayaan noong 2007 elections.

Mismong si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brilliantes ang nagpakilala sa 15 dating election officer na tetestigo sa nasabing dayaan.

Base sa ulat, personal umanong nakipagkita sa kanya ang mga testigo para isiwalat ang kanilang nalalaman sa dayaan.

Ihaharap din ni Brilliantes ang isang high profile personality na sinasabing nagmanipula sa resulta ng naturang halalan.

Nakasaad umano sa affidavit ng personalidad na direkta siyang inatasan ng pinakamataas na opisyal ng bansa para dayain ang resulta ng halalan pabor sa Team Unity ng administrasyong Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply