15-day leave sa domestic violence victims

ISINUSULONG ngayon ang panukalang batas na “Additional Leave for Victims of Domestic Violence Act of 2011” sa Kamara na naglalayong amiyendahan ang Section 43 ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children.

Ayon kay Rep. Carmelo Lazatin (1st District, Pampanga), ang may akda ng House Bill No. 5334 15-day leave ang ipagkakaloob sa naagrabiyadong empleyado bukod sa 10-day leave na makukuha sa bisa ng RA 9292, labor code at ng civil service rules and regulations.

“Ito ang mapapakinabangan ng mga biktima ng domestic violence habang sila ay nagpapagaling at dinidinig ang kanilang kaso,” sabi ni Lazatin.

Idinagdag pa ni Lazatin na malaking problema ang domestic violence.

Kadalasan aniya ay nagtatamo ang biktima ng galos, sugat o baling buto bukod sa apektado ang kanyang pag-iisip.

Marami rin aniyang biktima ng rape, sexual at domestic violence ang pinagkakaitan ng hustisya kahit na may batas naman na magpaparusa para rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply