1M ektarya ng agri land ipamamahagi ng DAR

NAKAHANDA na ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi ang nalalabing 1.093 milyong ektarya ng agricultural lands sa mga magiging benepisyaryo nito.

Ayon kay Agriculture Secretary Gil de los Reyes, ang hakbang ay isang pagpapatunay lamang na mali ang bintang ng civil society groups na hindi seryoso ang pamahalaang Aquino na gawin ang pangakong mamahagi ng lupa sa mga magsasaka nationwide.

Sinabi ni De los Reyes, double time ngayon ang ginagawa ng ahensiya upang matupad ang 2014 deadline para sa land distribution at inaasahang maipatutupad ang target na 200,000 ektaryang lupa ang ipamamahagi ngayong taon.

“The clearest signal of the President’s determination to complete agrarian reform is in the 2011 budget and the proposed 2012 budget. The 2011 budget fully funds the land acquisition and distribution target of the DAR and this is also true for 2012,” pahayag ni De los Reyes.

Binigyang diin ni De los Reyes na ginagawa ng tanggapan ang lahat para maipamahagi na ang naturang mga lupain kahit na ang may 940,000 ektaryang lupa nito o 94 percent ng nalalabing balanseng lupa na ipamamahagi ay ikinokonsiderang contentious at pagmamay-ari ng mga pribadong indibidwal.

Niliwanag din ng kalihim na hindi dapat sisihin ang DAR sa naantalang pagpapatupad sa Comprehensive Agrarian Reform Program extension with reform (CARPer) Law dahil may ilang lupain pa ang may kinakaharap na problema dahil sa matinding pagtutol ng mga landowner na makuha ang lupang pinabayaan na ng mga ito, away ng mga farmer-beneficiaries, iligal na paglilipat ng lupa ng mga landowner at technical problems sa land boundaries at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply