2.2 milyon katao apektado ng kalamidad

TINATAYANG umaabot na sa 2.2 milyon na katao ang patuloy na apektado ng kalamidad at inaasahang tataas pa ang bilang dahil kasalukuyang nananalasa sa Northern Luzon ang bagyong “Quiel.”

Batay sa ulat ni Usec. Graciano Yumul ng PAGASA-DOST umakyat na sa 50 ang bilang ng mga namatay at tinatayang umabot na rin sa mahigit P5.9 bilyon ang pinsala ng nagdaang bagyong “Pedring.”

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC), maliban sa mga binawian ng buhay, 31 pa ang nawawala habang 61 ang nasugatan.

Pinakamalaki naman sa pinsala ay mula sa agrikultura na umabot sa P5.4 bilyon habang P567 milyon naman sa imprastraktura.

Sa Dagupan, patuloy na tumataas ang bilang ng mga inilikas na dinadala ngayon sa mga evacuation centers sa lungsod.

Ayon kay Ronald de Guzman, coordinator ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Dagupan, bunsod ito ng pagtaas ng tubig baha sa ilang lugar sa lungsod.

Dagdag pa ng opisyal, ang paglilikas ay naglalayong matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa apektadong lugar.

Kabilang umano sa mga inilikas ay mula sa Lasip Grande, Lasip Chico, Pogo Chico, Lucao at Malued, na may kabuuang 46 pamilya o 203 indibidwal.

Aniya nagmumula sa Pantal Sinukalan river ang tubig na nagdudulot ng pagbaha sa naturang mga lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply