2-3 bagyo papasok sa PHL ngayong buwan

DALAWA hanggang tatlo pang cyclone o bagyo ang inaasahang mamumuo at papasok sa teritoryo ng Pilipinas ngayong Oktubre, ayon sa ulat kaninang umaga ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sinabi ng Pagasa, ang bilang ay base sa kanilang climatology data.

“Based on climatology, we expect two or three tropical cyclone this October to develop or enter the Philippine Area of Responsibility,” pahayag ng Pagasa.

Hindi naman nabanggit ng Pagasa kung ang tatlong papasok na bagyo sa bansa ngayon buwan ay pareho ng kalibre ng dalawang magkasunod na bagyong Pedring at Quiel.

Ramdam pa ng mga residente ng Luzon ang epekto ng dalawang nabanggit na bagyo na nanalasa ng husto sa bansa, na sa pinakahuling ulat ay nag-iwan ng mahigt sa 70 patay (60 sa bagyong Pedring at 10 sa bagyong Quiel).

May pangalan na ayon sa Pagasa ang mga bagyo papasok pa sa hanggang matapos ang 2011 at ito ay ang mga sumusunod: Sendong, Tisoy, Ursula, Viring, Weng, Yoyoy at Zigzag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply