2-anyos dedo sa kontaminadong tubig

NAMATAY sa ospital sanhi ng dehydration ang isang paslit habang 14 katao pa ang naapektuhan sanhi ng pag-inom ng kontaminadong tubig sa Iloilo City kaninang umaga.

Ang biktimang si Gerald Castilla, halos magdadalawang taong gulang, residente ng Barangay Dalid, Calinog, Iloilo ay namatay sanhi ng labis na pagtatae at pagsusuka sanhi pag-inom ng tubig na konataminado ng hindi pa malamang bakterya.

Kasama ring isinugod sa Calinog District Hospital ang dalawang kapatid ni Castilla at ang tatay nito at ang iba pang biktima na residente ng Barangay Lambunao, Duenas, Bingawan, at Tapaz  sanhi rin ng parehong sakit pero dahil mas malakas ang resistensiya nila kaysa sa namatay na bata ay madaling tumalab ang gamot na ipinainom sa kanila.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isinugod ang nga biktima dakong alas-9:00 kamakalawa ng gabi (Oktubre 16) pero namatay ang paslit kaninang ala-1:00 ng madaling araw.

Ayon naman sa ilang biktima na nagmula naman Barangay Bado, isa lamang ang source ng tubig na kanilang pinagkukuhanan at ito ay mula sa balon na pag-aari ng isang Nono Libero.

Hinala ng mga residente sa lugar, na ang sanhi ng pagkalason ng mga biktima ay dahil sa ini-spray na pesticide na posibleng umabot at humalo sa tubig ng balon nang bumuhos ang malakas na ulan noong kasagsagan ng bagyong Ramon.

Sa kasalukuyan, hindi pa matiyak ng mga doktor kung ano ang sanhi ng pagsusuka at pagtatae ng mga biktima dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng eksaminasyong ikinasa sa kanila.

Nakatakda namang magpulong ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Calinog para mapag-usapan ang gagawing tulong ng local government sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply