2 ASG sub-leader kumpirmadong utas sa air strike

NAREKOBER na ng Philippine Marines sa Sulu ang limang cadaver na napatay sa inilunsad na air strike ng militar sa kuta ng mga bandidong Abu Sayyaf group (ASG) at Jemaah Islamiyah sa Mt. Tukay, Barangay Karawan, Indanan, Sulu.

Kinilala ni Joint Task Force Sulu Island Command commander B/Gen Romeo Tanalgo ang mga bangkay na mula sa encounter site na sina ASG sub-leader Ben Wagas, ASG sub-leader Apo Mike, Abu Abad, Sali Madarang at isang Andag (LNU).

Nagpapatuloy naman ang pursuit at clearing operations sa lugar.

Ayon sa heneral, pinaniniwalaang maraming casualties sa panig ng grupo bagamat inaalam pa nila kung kabilang sina ASG leader Umbra Jumdail alias Dr. Abu at ang dalawang JI terrorist na sina Mauwiya at Marwan.

Sinabi pa ni Tanalgo, sa panig ng militar ay walang naiulat na casualties.

Nabatid na sina Marwan at Mauwiya ay responsable sa mga serye ng karahasan sa probinsiya gaya ng kidnapping at pambobomba.

Si Marwan ay US trained Malaysian engineer na matagal na ring wanted maging sa Amerika dahil sa pagkakasangkot sa terror attacks.

Ang Estados Unidos ay unang naglaan ng $5 million bilang reward para sa ulo ni Marwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply