2 bangkay natagpuan sa Maynila

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pulisya ang pagkamatay ng dalawang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution na natagpuan ang bangkay sa Manila, madaling-araw ng Huwebes, Oktubre 6.

Ayon sa report ng dzBB, natagpuan ang mga bangkay sa Retiro Street, Manila kung saan lumalabas sa imbestigasyon na ang dalawa ay dumaan sa pagpapahirap at nanlaban dahil sa tinamong mga marka sa leeg.

Nabatid pa na ang isa sa biktima ay itinali ang paa na nakasuot ng shirt at cargo pants habang ang isa naman ay nakasuot ng polo shirt at denim shorts.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply