2 buwan sa ibang bansa hiling ni GMA

HINILING ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na bumiyahe sa ibang bansa  para makapagpagamot sa loob ng dalawang buwan.

Batay sa  inamyendahang travel authority request na inendorso ng Office of the Secretary General sa kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakasaad na bukod sa Estados Unidos at Germany, magpapakonsulta rin si Ginang Arroyo sa mga espesyalista sa Singapore, Spain at Italy mula Oktubre 22 hanggang Disyembre 5.

Nakasaad din sa dokumento na makakasama ng dating Pangulo ang asawa niyang si Attorney Mike Arroyo, ang kaniyang aide-de-camp na si 1st Lt. Jane B. Glova at private nurse na si Ms. Maria Shaharah Casuga.

Kasalukuyang nasa immigration watchlist si Ginang Arroyo kaya hindi ito maaaring lumabas ng bansa ng walang permiso mula sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi naman ni DOJ Secretary Leila de Lima na pinag-aaralan pa nila ang travel request ni Ginang Arroyo dahil marami sa mga requirements para rito ay hindi natutugunan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply