2 carkjackers tepok sa parak sa Cavite

DALAWA sa tatlong hinihinalang carjackers ang nasawi makaraang makaengkuwentro ng mga pulis sa Cavite, Sabado ng madaling-araw, Oktubre 8.

Nabatid sa report ng dzBB na tinatangkang tangayin ng mga suspek ang trailer truck nang maispatan ng patrol team ang mga ito.

Samantala, isa pang miyembro naman ng motorcycle-riding gang ang tinutugis ngayon na sinasabing kasabwat ng mga suspek.

Nabatid pa na sakay ng Lancer-type vehicle ang mga suspek kung saan hinarangan ng mga ito ang daraanan ng trailer truck sa Daang Hari Road sa Imus at pinaputukan ang gulong ng trak na mapalad naming nakita ng mga police patrol team.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply