2 dumukot sa nurse sa Zamboanga timbog sa PNP

NADAKIP kahapon (Oktubre 7) ng mga tauhan ng Philippine National Police ang daalwang lalaki na itinuturung responsible sa pagdukot sa isang nurse noong nakaraang taon sa Zamboanga Sibugay, sa ulat ng pulisya nitong Sabado.

Ayon kay PNP Sopokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., sanhi ng ginagawang puspusang pagtugis ng mga awtoridad sa mga wanted persons na may warrant of arrests ay nadakip ang dalawang criminal sa Zamboanga Sibugay.

Itinuturong sangkot ang dalawang suspect sa pagkidnap sa Zamboaguenia nurse na si Maricris Cuartocruz noong nakaraang taon.

Sa report ni Police Regional Office (PRO-9) director C/Supt. Elpidio de Asis, naaresto ang dalawang suspek na kinilalalang sina Rajack Campo at Abdurahman Abdurahim

Nabatid na bandang alas-5:30 ng hapon ay nakorner ang dalawa sa public market ng Malangas sa pamumuno ni Insp. Rolando Matinog.

Nabatid na ang dalawa ay may warrant of arrest dahil sa kasong kidnapping, serious illegal detention with ransom na inissyu ni Judge dela Peña ng Regional Trial Court (RTC) branch 12.

Kasalukuyang nakakulong na sa Malangas Police station ang dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply