2 fetus natagpuan sa magkahiwalay na lugar

NATAGPUAN ang dalawang fetus sa magkahiwalay na lugar sa Ermita at sa Binondo, Maynila kaninang umaga.

Sa imbestigasyon ni Det. Jett Tajonera at Det. Dave Tuazon ng Manila Police District-Homicide Section, unang natagpuan ang fetus sa loob ng compound ng UP-PGH College of Medicine, Calderon Hall sa Pedro Gil St. sa Ermita.

Nakita naman ang isang fetus na nakakalat sa kalye ng Dasmariñas sa panulukan ng Yuchengco street sa Binondo.

Nabatid sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 ng umaga nang matagpuan ang isang fetus na nakabalot pa sa kanyang placenta sa UP-PGH.

Isang Generoso de La Paz ang nakatagpo sa nasabing fetus sa nasabing compound habang isang palaboy ang nakakita sa isang fetus bandang 2:45 ng hapon sa Binondo.

Ayon sa saksi na hindi pinangalanan, napagkamalan niyang kalakal ang laman ng plastic bag at ng kanyang bulatlatin ay nadiskubre niya ang fetus.

Parehong dinala sa St. Yvan Funeral morgue ang mga fetus habang inihahanda ang maayos na libing para sa mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply