2 grupo ng Muslim, nag-rally sa Mendiola

NAGRA-RALLY ngayon ang dalawang grupo ng mga Muslim sa Mendiola, Maynila upang isigaw ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Hinihingi ng Anak Mindanao (AMin) Partylist at Bangsamoro National Solidarity Movement (BANGSA) sa International Monitoring Team na imbestigahan ang nangyaring madugong engkwentro sa Al-Barka, Basilan na ikinasawi ng 19 na sundalo upang hindi na lalo pang lumala ang sitwasyon doon.

Kaugnay nito, tinuligsa rin nila ang panawagang all-out war ng ilang personalidad habang nanawagan silang maging kalmado ang lahat ng sektor na apektado ng mga kaguluhan sa rehiyon.

Giit ng dalawang grupo, dapat maging responsable ang lahat sa pagbibiagy ng pahayag upang hindi na lumala pa ang sitwasyon sa Mindanao.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply