2 holdaper patay sa shootout

NAPATAY ang dalawang hinihinalang holdaper sa shootout sa Holy Spirit Drive sa Quezon City ayon sa ulat ng pulisya kanina.

Unang bumulagta ang isang holdaper habang ang isa ay nakatakbo subalit napatay din ng sundalong si Sgt. Ernesto Panting.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, dalawang wallet na may lamang pera at cellular phone.

Ayon kay Panting, limang suspek ang unang nanloob sa sangay ng Ministop sa Holy Spirit Drive na nagkataon na isa siya sa mga customer.

Pinagkukuha umano ng mga suspek ang pera ng kahera, mga customer at maging ang ilang mahahalagang gamit at masuwerteng hindi nakapa ang dala niyang baril.

Sinabi ni Sgt. Panting na sinadya nyang makalabas muna ang limang holdaper sa Ministop bago nagpakawala ng warning shot subalit kahit huminto ang mga suspek ay pinaputukan din siya ng mga ito.

Doon na aniya nagsimula ang putukan hanggang sa mapatay ang unang suspek at hinabol ang ikalawang suspek habang tuluyan nang nakatakas ang tatlong kasamahan ng mga ito. Johnny F. Arasgaa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply