2 holdaper utas sa parak

PATAY ang dalawang hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District kaninang madaling-araw sa Maynila.

Sa inisyal na report, nangholdap umano ng ‘di nakilalang biktima ang mga suspek sa kanto ng Claro M. Recto Avenue at Jose Abad Santos nang mapansin ito ng pulisya ng MPD-Station 2 na kasalukuyang nagpapatrolya sa lugar .

Nang tangkaing lapitan ng pulis ang mga suspek ay agad silang nagpaputok ng kanilang .38 kalibre ng baril na dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Patuloy naman ang imbestiagsyon ng pulisya sa pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply