2 IED natagpuan sa Zamboanga City

DALAWANG Improvised Explosive Devised (IED) ang natagpuan kaninang umaga sa Barangay Sanggali sa Zamboanga City na pinangyarihan ng malakas na pagsabog kagabi (Oktubre 26).

Batay sa report, ilang minuto pa lamang na-disrupt ng miyembro ng Bomb Squad ng ZCPO ang nasabing IED.

Natagpuan ang isang IED sa isang grocery store na pagmamay-ari ng barangay kapitan ng Sanggali na si Paul Toribio na kapatid naman ng naunang pinasabugan kagabi pero  agad naman itong inireport ng may-ari ng nasabing tindahan sa awtoridad kaya agad itong na-detonate.

Ang ikalawa namang IED ay natagpuan sa  Sanggali Fishing Port  at sa kasalukuyan ay dini-detonate  naman ng mga kasapi ng bomb squad.

Samantala, tensyonado ngayon ang sitwasyon sa nasabing barangay dahil sa nasabing pangyayari.

Tatlong IED ang natagpuan kagabi at ang isa sa mga ito ay sumabog na nagdulot ng isang patay at walong sugatan habang ligtas namang na-detonate ang dalawa kagabi.

Samantala, agad naman pinahigpitan ngayon ng kapulisan ng lungsod ng Zamboanga ang seguridad sa nabanggit na barangay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply