2 miyembro ng ‘resto gang’ utas sa ISAFP agent

NALAGAS ang dalawa sa limang miyembro ng resto gang nang patumbahin mag-isa ng isang ahente ng Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Quezon City Lunes ng gabi, Oktubre 25.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 ang dalawang hindi nakilalang suspek na inilarawang 30-35-anyos, kapwa may taas na 5’4 at nakasuot ng t-shirt, maong pants at rubber shoes.

Samantala, nakatakas naman at ngayon ay tinutugis ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang tatlo pang kasamahan ng napatay na mga suspek.

Kinilala ni Police Supt. Marcelo, CIDU chief ang magiting na ISAFP agent na si Sgt. Ernesto Boybanting ng Barangay Holy Spirit.

Sa ulat na nakarating sa Camp Karingal, naganap ang insidente dakong 10:30 kamakalawa ng gabi sa loob ng Mini-stop convenience store na nasa Don Antonio Drive, Barangay Holy Spirit.

Ayon kay SPO3 Jun Amor ng CIDU,  bago ang insidente ay kumakain si Boybanting at ang may bahay sa loob ng naturang tindahan nang magdeklara ng holdap ang may 5 armadong kalalakihan na nagpanggap na mga kostumer.

Matapos isa-isang matangay ang mga alahas, cellhphones at pera ng mga kostumer  ay hiningi rin ng mga suspek kay Boybanting ang pitaka nitong may P14,000 at maging ang bag ng kanyang misis.

Hindi naman nagpahalata si Boybanting pero nang makatiyempo ay binunot ang kanyang baril sa baywang at pinutukan ang mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply