2 obrero todas sa pananaga sa Quezon City

TODAS ang dalawang obrero makaraang pagtatagain ng kanilang kabarangay matapos magtalo dahil sa illegal tapping ng linya ng Meralco sa Quezon City kahapon ng hapon, Oktubre 2.

Kinilala ang mga biktima na sina Miguel Jovis, 40, karpintero, ng San Jose Dulag, Leyte at Alfredo Rivas, 62, kapwa ng 4-B Everlasting St., Bgy. Payatas A, QC.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang dalawa dahil sa tinamong maraming tama ng taga sa kanilang katawan.

Tumakas naman ang mga suspek na nakilala sa alyas Egay Gibao, truck driver, tubong Leyte ng Everlasting St., Bgy. Payatas A, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 5:00 ng hapon sa kahabaan ng Everlasting St., Bgy. Payatas A, QC.

Sinabi sa ulat ni PO3 Vicben Padua na nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktimang si Rivas at ang suspek dahil sa illegal tapping ng linya ng Meralco sa kanilang lugar.

Ikinagalit umano ito ng suspek sa biktimang si Rivas at pinagtataga ng bolo ang huli ng ilang ulit.

Nagtangka namang umawat si Jovis dahilan para maging siya ay pagtatagain ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply