2 opisyal ng AFP sinibak sa mining attack

SINIBAK na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawa nilang opisyal na namumuno sa mga sundalo sa Surigao del Norte dahil sa pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa tatlong minahan sa naturang lalawigan.

Kinilala ang dalawang sinibak na sina 402nd Brigade Commander, Col Rodrigo Diapana at ang deputy nito na si Col. Cresente Maligmat na tumatayo ring Task Force Stinger Commander.

Si Diapana ay pinalitan ni Col. James Jacob habang humalili kay Maligmat si Col. Victor Jalan.

Ayon kay AFP Chief of Staff, General Eduardo Oban, malinaw na may “seriuos lapses on the ground” kaya’t ipinag-utos nito ang pagsibak sa tungkulin ng dalawang opisyal.

Sinabi ni Oban na kanilang iniimbestigahan ang mga ito kasabay na rin ng pag-aaral kung anong mga hakbang ang dapat na baguhin upang hindi na maulit ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply