2 pang biyahe ng CebuPac kinansela dahil kay ‘Ramon’

KINANSELA ng Cebu Pacific ang dalawa pa nilang flights sa Manila at Western Visayas ngayong Miyerkules, Oktubre 12 bunsod ng bagyong Ramon (international name: Banyan).

Sa kanilang Facebook account, sinabi ng Cebu Pacific na kanselado ang biyahe ng 5J-895 and 5J-898: Manila papuntang Caticlan at pabalik.

Pinahayag pa ng Cebu Pacific na ang apektadong pasahero ay maa-accommodate sa susunod na biyahe.

Maaari ring magpa-rebook ang mga ito sa loob ng 30 araw.

Nauna nang kinansela ang walo nilang biyahe bunsod pa rin ng bagyong Ramon. Kabilang ditto ang mga sumusunod:
• 5J-331 and 5J-332: Manila to Kalibo at pabalik
• 5J-132 and 5J-133: Cebu to Caticlan at pabalik
• 5J-707 and 5J-708: Manila to Calbayog at pabalik
• 5J-908 and 5J-909: Manila to Caticlan at pabalik

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply