2 patay, 19 sugatan sa ambush sa Maguindanao

DALAWA ang patay, habang umaabot sa 19 katao ang sugatan sa pananambang sa Maguindanao alas-3 ng madaling-araw kanina.

Kinilala ang mga namatay na sina Enrique Balintuwan at Janeth Cruz, habang ginagamot pa ang mga sugatan sa Cotabato Regional and Medical Center.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ang mga biktima sa isang double tire passenger jeep mula sa Lebak, Sultan Kudarat province na patungo sa bayan ng Isulan, ngunit pagdating sa Kilometer 19, Brgy. Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, ay bigla na lamang silang tinambangan ng mga  di nakilalang salarin na umaabot sa bilang na 30 armado ng matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Felix Abarle, drayber ng dyip, sa halip na tumigil siya dahil sa takot ay pinaharurot niya ang takbo ng sasakyan patungo sa Cotabato.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police S/Insp. Ledsy Sinsuat, posibleng panghoholdap ang motibo ng mga suspek kung saan pinaputukan ang sasakyan nang hindi tumigil.

Patuloy pa ring tinutugis ng awtoirdad ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply