3 patay sa nakawan sa mall

TATLONG katao ang nasawi sa naganap na “broad daylight robbery” sa loob ng isang sikat na mall sa Dasmarinas, Cavite kaninang umaga.

Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang nakawan na nauwi sa shootout sa loob ng Robinson’s Place ground floor sa Palapala Barangay Sampaloc, Dasmariñas, Cavite  pasado alas-10:00 ng umaga.

Sa report na ipinadala ni Cavite Provincial Director P/Supt. John Bulalacao, dead on the spot ang dalawang guwardiya habang dead on arrival naman sa pagamutan ang bank teller na si Rey Tingco.

Sa inisyal na ulat, hinoldap ng limang kawatan ang mga biktima habang naglalakad sa loob ng mall kung saan maghahatid sana ng P5 milyon sa JMY money changer kasama ang liaison officer nito na kinilalang si Eduardo Noel Malayba matapos na mag-withdraw bangko.

Natangay ng limang suspek ang bag na naglalaman ng salapi.

Hinihinalang sugatan din ang mga suspek habang sila ay tumatakas. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply