2 police officer sibak sa pagkamatay ng tauhan

SINIBAK sa puwesto bilang precinct commander sa Bulua Police Station si S/Insp. Celso Montil sa lungsod ng Cagayan de Oro dahil sa pagkakapatay kay PO3 Marvin Nollano ng isang inmate sa loob ng West-Bound police sub-station.

Ayon kay city director S/Supt. Gerardo Rosales, ihahalili kay Montil ay si S/Insp. Ritchie Yandug.

Dagdag pa ni Rosales, maliban kay Capt. Montil ay sinibak ang kasamahan ni Nollano na si SPO2 Julio Gabot na noong mangyari ang pananaksak ay nagsasagawa ng foot patrol sa bisinidad ng terminal kaya hindi napigilan ang ginawa ng suspek na si Eduardo Ayento.

Muling pinaalalahanan naman ni Rosales ang pulisya na maging alerto sa lahat ng panahon upang hindi na maulit ang nasabing insidente.

Magpapaabot naman ng kaukulang tulong ang siyudad, gayundin ang hanay ng pulisya, sa pamilyang naulila ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply