2 pumaslang kay Ram Revilla nadakip na

NADAKIP na ng awtoridad ang dalawa sa itinuturong suspek sa pamamaslang sa kapatid ni Senador Ramon “Bong” Revilla na si Ram Revilla sa loob ng bahay nito kamakalawa.

Ani Task Force Ramgen head Maj. Enrique Sy, ang dalawang hindi muna pinangalanang suspek ay hawak na ng Parañaque police, habang patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang tatlong iba pa.

Lumalabas din sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang malapit na kamag-anak ang mastermind sa krimen, na itinuturing naman ni Cavite Mayor Strike Revilla, na “big blow” sa kanilang pamilya sakaling totoo.

Pero hindi umano nila pagtatakpan ang kaanak nilang ito at dapat na panagutin sa krimen.

Pinaslang si Ram sa loob ng kanyang bahay sa Phase 6, BF Homes sa Parañaque City Biyernes ng gabi.

Sugatan sa insidente ang nobya ng biktima na si Janelle Manahan, patuloy na ginagamot sa Asian Hospital, Alabang, Muntinlupa City

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply