2 referee ng PBA tuluyang pinatalsik

TULUYANG sinibak ng Supreme Court ang dalawang referee ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil hindi naman umano empleyado ang mga ito ng liga.

Sa desisyon ng Mataas na Hukuman, kinatigan nito ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbabasura sa hatol ng National Labor Relations Commission (NLRC) na nagpabalik sa serbisyo sa dalawang reperi na sina Jose Mel Bernarte at Renato Guevarra.

Ayon sa SC, tama ang desisyoin ng CA nang ideklara na si Bernarte at kasama nito ay independent contractors at hindi empleyado ng PBA at nina Jose Emmanuel M. Eala at Perry Martinez.

Ang hatol ng korte ay lumabas matapos maghain ng petition for review si Bernate.

Sa rekord, noong panunungkulan ni Commissioner Emilio Bernardino, pinalagda ng contracts ang mga ito sa pamamagitan ng year-to-year basis.

Ngunit noong panahon ni Commissioner Eala ay maraming nabago sa terms ng kanilang employment.

Si Bernarte ay hindi pinalagda ng kontrata sa unang conference ng All-Filipino Cup mula noong February 23, 2003 hanggang June 2003.

Noong March 31, 2005, ang Labor Arbiter ay idineklarang iligal ang pagkakasibak kay Bernarte at sa kasama nito kung saan inutos ang pagbalik rito sa serbisyo at pagbabayad ng backwages at danyos na aabot sa P686-milyon na dito’y kinatigan din ng NLRC.

Inakyat ng PBA at nina  Eala at Martinez ang kaso sa CA kung saan binaliktad ang hatol.

Ayon naman sa SC, “…the fact that PBA repeatedly hired petitioner [Bernarte] does not by itself prove that petitioner is an employee of the former. For a hired party to be considered an employee, the hiring party must have control over the means and methods by which the hired party is to perform his work, which is absent in this case.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply