2 shabu queen, kapitan tiklo sa buy-bust

NALAMBAT ng awtoridad ang dalawang shabu queen at drug pusher na dating opisyal ng barangay sa isinagawang anti–drug operation ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency at lokal na puwersa ng pulisya sa Cotabato City at North Cotabato nitong nakalipas na linggo, Oktubre 21, 2011.

Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. kinilala ang mga nadakip na suspek na si Diamon Abela, 27, Laheya Ayyub, 26 at Abdullah Macarimbang, 49, alyas “Chairman.”

Nabatid sa ulat na makaraan ang halos isang buwan na surveillance, ay nasukol ang dalawang shabu queen na sina Abela at Ayyub ng operatiba ng PDEA–ARMM sa pamumuno ni Director Edwin Layese, kasama ang mga tauhan ng  Marine Battalion Landing Team 7.

Ayon sa ulat, ang lady drug pusher ay aktong nahuli ng awtoridad matapos iabot sa isang poseur buyer ng PDEA ang umano’y droga sa Tulingan St., Bagua II, Cotabato City.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 2 heat–sealed plastic sachets na naglalaman ng shabu at P200 buy – bust money.

Kasunod na naaresto ng mga elemento ng  PDEA-ARMM at operatiba ng Midsayap Police Station si Macarimbang, dating barangay captain ng   Barangay Pinantao, Parang Maguindanao.

Si Macarimbang ay hinihinalang miyembro ng big-time drug syndicate na kumikilos sa Midsayap at karatig bayan sa Davao City at nadakip sa isang foodhouse sa Quezon Avenue, Poblacion 5, Midsayap, North Cotabato nang maghatid ng 2 plastic sachets ng shabu na may halagang P35,000.

Ang mga akusado na sina Abela, Ayyub at Macarimbang ay nakapiit na sa PDEA detention cell sa nasabing rehiyon makaraang sampahan ng kasong violation of section 5 (selling), Article II of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply