2 subpoena kay GMA normal procedure lang

HINDI maaaring puwersahin ng Department of Justice (DOJ) si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na sumipot sa imbestigasyon kaugnay sa mga kasong election sabotage at paglabag sa Omnibus Election Code na isinampa sa kanya.

Bilang reaksyon sa isinilbing dalawang subpoena ngayong hapon lamang ay sinabi ni Atty. Raul Lambino, legal spokesman ni GMA na normal procedure lang ang pagpapadala ng subpoena bilang bahagi ng imbestigasyon subalit hindi mandatory na humarap at magpaliwanag ang dating Pangulo at hindi rin maaaring i-contempt ng DOJ-Comelec joint Task Force.

Hindi rin ikinagulat ni Lambino ang aksyon ng DOJ laban kay GMA at aniya’y inaasahan na rin nilang madidiin ang dating pangulo sa mga kaso ng pandaraya noong 2004 at 2007 elections.

Kasabay nito ay tiniyak ni Lambino na maghahain ng counter affidavit si GMA subalit hindi tiyak kung personal na ihahatid ng kongresista sa DOJ.

Ang dalawang subpoena ay isinilbi ng Department of Justice Task Force sa pamamagitan ni Mossolini Solis ng DOJ process service.

Kasabay ng pag-aapruba ni House Speaker Feliciano Belmonte sa travel authority ni GMA ay inamin naman ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni GMA na hindi pa makaaalis ang dating Pangulo dahil hindi pa sila nakakakuha ng permit mula sa DOJ matapos isailalim sa watchlist order bilang resulta ng mga inihaing kasong pandarambong laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply