2 sundalo sugatan sa pagsabog ng landmine

DALAWANG sundalo ang sugatan sa pagsabog ng landmine na hinihinalng itinanim ng mga miyembro ng New People’s Army sa Compostela Valley kaninang madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.

Nasa combat patrol operations ang mga tauhan ng 60th Infantry Battalion sa Sitio San Miguel sa Barangay Kidawa sa bayan ng Laak nang madaanan ang landmine.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga sundalo habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply