2 supplier ng aspalto blacklisted sa DPWH

BLACKLISTED na ang dalawang supplier ng Department of Public Works and Highways matapos mapatunayang sub-standard ang kanilang mga materyales sa isang proyekto ng ahensya.

Ang Pacific Concretes Products Inc. at Filipino Ready Mix Corporation na siyang supplier ng mga aspalto na ginamit sa asphalt overlaying ng Buendia Flyover sa Makati City ay hindi na makakasali sa mga proyekto ng DPWH ayon sa kalihim ng ahensya na si Sec. Rogelio Singson.

Nabakbak umano ang mga aspalto na inilatag ng contractor ng proyekto na Tokwing Construction matapos ang mga nagdaang bagyo kung saan itinuturo ang dalawang supplier na siyang responsable sa pangyayari.

Umalma naman ang Pacific Concrete Products Inc. sa pahayag ng DPWH at sinabing ginagawa lamang silang “scapegoat” dahil iba ang kanilang nakikitang dahilan sa pagkabakbak ng kanilang aspalto. Ayon sa Pacific Concrete, ang Fiber Polymer na ginamit ng Tokwing Construction sa ilalim ng aspalto ay hindi marapat sa mga nakaangat na tulay dahil ito ay sumisipsip ng tubig kayat hindi dumidikit doon ang aspalto.

Payag naman ang Tokwing Construction na sagutin ang lahat ng gagastusin sa paglalagay na muli ng bagong aspalto sa Buendia Flyover. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply