2 truck ng DVD nasamsam sa Quiapo

GALIT na pinasalakay ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga piniratang DVD sa Quiapo matapos ang reklamo sa kanyang tanggapan na nagsisimula na naman ang guerilla type na bentahan ng mga ito sa lugar kahit pa wala ng mga naka-display sa mga tindahan.

Ayon kay P/Supt. James Afalla,station commander ng Manila police District-Police Station 3,ang grupo ni P/S Insp.Marcelo Reyes ng Manila City Hall Public Assistance (Chapa) ang namuno sa pagsalakay sa Quiapo area at may dalawang truck ng mga pirated DVD ang nasamsam ng mga awtoridad.

Bagama’t walang nahuling “sniper” na nagtitinda, saku-sakong piniratang DVD ang nakumpiska sa Yes Hotel na pinagtataguan ng mga vendor sa kanilang ibinebenta.

Nabatid na ang operasyon ay tumagal ng may tatlong oras dahil nahirapan ang mga awtoridad na hakutin ang mga DVD matapos na i-bolt cutter ang kandado ng kuwartong pinagtataguan.

Base sa impormasyon ng alkalde, patuloy ang pagbebenta ng DVD sa Quiapo hindi nga lamang lantaran kundi sa pamamagitan ng paglalako ng mga ito sa kanilang mga suki.

Nakatakdang wasakin ang mga nakumpsikang DVD sa pamamagitan ng shredding machine. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply