2 turistang Koreana nasalisihan sa Rizal Park

DISMAYADO asng dalawang turistang Koreana na namamasyal sa Rizal Park matapos na masalisihan ng isang ‘di nakilalang suspek kahapon (Oktubre 28).

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang mga biktimang sina Hyein Shin, 29, at Shinae Kim, 30, na kapwa pansamantalang nanunuluyan sa Dusit Hotel sa Makati.

Sa kanilang reklamo, abala sila sa pamamasyal sa Rizal Park ng lapitan sila ng suspek, nagpakilala at nagmagandang loob sa kanila.

Nagkapalagayang loob ito ng mga turistang Koreana hanggang sa hindi nila napansin na nasalisihan na sila ng huli nang makuha ang kanilang gamit.

Nawala sa mga biktima ang kanilang lap top, digicam at ‘di madeterminang cash.

Hinala naman ng pulisya,na biktima ang dalawang Koreana ng modus operandi ng mga miyembro ng salisi na nambibiktima ng mga turista sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply