20 kilo ng ‘damo’ nakumpiska ng PDEA

MAHIGIT 20 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Caraga Region at Western Visayas.

Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., na ang mga elemento ng PDEA Regional Office 13 (PDEA RO13), sa pakikipagtulungan sa Surigao del Sur Provincial Police Office at Lianga Police ang nagkasa ng search warrant operation na humantong sa pagkumspika ng 90 piraso ng malaki at maliit na pakete ng dried marijuana leaves; at isang malaking karton na naglalaman din ng damo na tumitimbang ng 20 kilo.

Naaresto rin ang suspek na si Bryan Calim, 27, negosyante at residente ng Purok 2, Barangay Liatimco, Surigao. Dinala si Calim, na sinilbihan ng search warrant, sa Lianga Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposiyon.

Sa parehong araw, dinampot din si Alex Macabebe, alias Tatang Alex, 48, tricycle driver, ng mga ahente ng PDEA Regional Office 6 (PDEA RO6) nang magbenta ito ng isang piraso ng marijuana brick sa isang PDEA agent na nagsilbing poseur-buyer sa Zone 3, San Juan, Molo, Iloilo City.

Nanlaban pa si Macabebe at tinangkang sasaksin ang naturang poseur-buyer. Nakisali rin ang mga kamaganak nito at kinuyog ang mga arresting officers.

Gayunpaman, natalo ng mga operatiba ang mga tumulong kay Macabebe at naaresto ito.

Nakumspika kay Macabebe ang dalawang iba pang piraso ng marijuana bricks, tatlong piraso ng folded paper, dalawang piraso ng heat-sealed transparent sachets na may lamang marijuana leaves na tumitimbang ng 71 gramo.

Si Macabebe ay kasalukuyang nakaditine sa Molo Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply