200 kilo ng botcha nasabat sa Paco

AABOT sa 200 kilo ng botcha ang nasabat ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa Paco Market sa Maynila kagabi (Oktubre 25).

Ayon kay Dr. Rolando Marquez ng NMIS, isang ulat ang kanilang natanggap hinggil sa bagsakan ng karneng botcha sa naturang pamilihan.

Dahil dito ay agad na nagsagawa ng operasyon ang NMIS sa nasabing palengke kung saan nadiskubre ang isang sako na iniwan sa isang gilid ng palengke na naglalaman ng botchang karne ng baboy.

Wala namang nahuling nagbebenta sa nasabing operasyon.

Bunsod nito, muling nagbabala ang NMIS sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng karneng double-dead lalo na ngayong papalapit na ang holiday season. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply