200 most wanted criminal target mahuli ng PNP

TARGET ng Philippine National Police na makahuli ng 200 pinaka-most wanted na kriminal sa bawat rehiyon kabilang ang Metro Manila.

Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng PNP laban sa kriminalidad.

Ayon kay PNP Chief Nicanor bartolome, target ng PNP ang mahuli ang may 100 hanggang 150 sa mga lalawigan at 50 naman sa Metro Manila.

Maaari umanong mag-iba ang situwasyon sa bawat police office sa lalawigan kaya ang target na bilang sa mga huli ay magbabago pa matapos ang mga pag-aaral.

Mag-uumpisa umano ang panghuhuli sa darating na Nobyembre ani Bartolome, bilang paghahanda sa darating na Undas at Pasko.

Sa mga darating umano na buwan ay magkakaroon aniya na ng mga rekomendasyon kung itataas o ibababa ang mga target sa mga rehiyon.

May mga rehiyon ayon sa PNP chief na ayaw ng maraming “wanted” na pakalat-kalat sa kanilang mga lugar kaya dadagdagan ang target sa mga lugar o lalawigang iyon.

Paiigtingin naman ang police visibility sa mga lugar na sensitibo sa kaguluhan tulad ng mga lugar ng turismo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply