2011 KYMCO Cup,raratsada na

INAANYAYAHAN ng KYMCO Philippines ang lahat ng nagmamay-ari ng KYMCO motorcycles at scooters na makisalo sa isang araw ng kasiyahan at karera sa gaganaping 2011 KYMCO Cup ngayong darating na Linggo, Nobyembre 6, sa Kart Track sa Boomland, Pasay.

Ilan sa mga paglalabanang kategorya ay ang Automatic A (Super8/ Like/ Free LX-165 cc 2V, Stock Carb) at Automatic B (Dink/ People/ Vivio-180cc 2V, Stock Carb) para sa mga Beginners at Novice, Best Dressed at pati na rin ang Turtle Fun Race.

Ang total cash prize ay umaabot halos sa P15, 000.00 plus trophies.

Ang taunang KYMCO Cups ay pinangungunahan ng KYMCO Philippines, Inside Racing Magazine, at ng USRA (Underbone and Scooter Racing Association) bilang pagtanaw ng utang na loob ng KYMCO sa kanilang loyal customers at para rin ipamalas sakanilang mga customer ang saya at thrill ng pagkarera sa race track.

Ang event ngayong taong ito ay magsisilbi ring selebrasyon at pasasalamat ng KYMCO para sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanilang mga bagong produkto, gaya ng Super8, Visa, at Like 125.

Ang 2011 KYMCO Cup ay suportado ng MotorcyclePhilippines.com, Stoplight TV, Pinoy Speed, Ronda Remate, Motorsiklo Xklusibo, Repsol Lubricants, Motoworld, Racing Boy, HJC helmets, Denso Sparkplugs, GS Battery, at ng JM Mirasol.

Para sa karagdagang impormasyon, maglog-in lamang sa www.motorcyclephilippines.com o di kaya ay tumawag o magtext sa mga numerong (02) 542-4272 to 73 at 0999-6908238.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply