2013 midterm polls pinaghahandaan na ng Comelec

PATULOY ang preparasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2013 midterm elections.

Ayon sa pahayg ni Comelec Chairman Sixto Brillantes bumuo na sila ng Steering Committee noong Setyembre at nagsimula na silang makipag-ugnayan kung ano ang gagamiting materyales para sa nasabing halalan.

Sinabi pa ni Brillantes na baka magkaroon ng komplikasyon dahil may bali-balita na baka matuloy ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections.

Nais rin ni Brillantes na maging automated ang halalan sa ARMM kung magbibigay na ng go-signal ang Supreme Court na ituloy ang halalan sa rehiyon.

Katwiran ni Brillantes, mahirap gawing mano-mano ang halalan sa ARMM.

Sa pagtataya, aabot ng apat hanggang limang buwan ang preparasyon nila sa ARMM elections.

Kung matatandaan, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema na nagpipigil sa Aquino administration na ipatupad ang Republic Act 10153 o ARMM Elections Postponement Law.

Samantala, handang mag-inhibit si Brillantes sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ)-Comelec fact finding team sa umano’y dayaan noong 2004 at 2007 elections.

Ayon kay Brillantes, mag-i-inhibit siya depende sa kasong isasampa ng komite laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nitong si Atty. Miguel “Mike” Arroyo.

Sinabi pa ng Comelec chair na pito naman sila sa komite at maaaring hindi siya mag-participate sa botohan ng Commission En Banc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply