2,150 ghost pensioner nabuko sa PNP

IBINULGAR ni Philippine National Police chief Director General Nicanor Bartolome na may 2,150 ghost pensioner sa pulisya na siyang nilinis ngayon upang mapurga ang iligal na kumukobra sa pamahalaan.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on finance hinggil sa badyet ng PNP at Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Bartolome na kasalukuyan nang nililinis ang listahan ng pensiyonado ng ahensiya.

“Aabot na lamang sa 1,252 ang ghost pensioners matapos matanggal ang 898 mula sa kabuuang 2,150,” ayon kay Bartolome sa panayam.

Tiniyak naman ni Bartolome na malilinis ng PNP ang listahan sa loob ng dalawang linggo kaya tiyak na mababawasan ang gastusin ng pamahalaan sa mga ghost pensioner.

Umabot sa 61,053 ang kabuuang bilang ng pensiyonado sa PNP na ginagastusan ng mahigit P3 bilyon kada taon kabilang ang pambayad sa 2012. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply