Curfew ipinatupad na sa buong Zamboanga

UMAABOT na sa 2,167 pamilya ang lumikas sa kani-kanilang tahanan simula pa kahapon dahil sa isinagawang air strike ng AFP.

Ayon sa Provincial Director ng Social Welfare and Development na si Dir. Charlita Zarate, karamihan sa mga  nag-evacuate ay nasa Poblacion Gymnasium na nasa Barangay Alicia, kung saan isa sa mga barangay na pinagbagsakan ng mga bomba ng OV 19 bombers.

Hindi pa umano nalaman ng national government ang opisyal na bilang ng mga lumikas, kung hindi pa nagkaroon ng komunikasyon sa nabanggit na provincial director ang mamamahayag mula pa sa Zamboanga Sibugay.

Ang mga lumikas na residente ay nagmula sa mga barangay ng Alicia, Payao, Talusan, Naga-Naga at ang iba ay nagtungo sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Hindi rin malinaw sa mamamayan at opisyal ng DSWD kung kailan maaaring magsibalik sa kani-kanilang mga tahanan ang libong pamilya na lumikas.

Dumating naman kaagad ang mga food stuff na galing sa national government at DSWD para sa mga evacuation centers sa Sibugay,

Nagpatupad naman ng curfew ang militar mula ngayong araw sa Payao, Zamboanga, sakop ang Dapitan, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur kung saan hindi maaaring lumabas ang mga mamamayan simula alas-10 ng gabi na bahagi ng operasyon ng militar laban sa mga rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply