265 huli sa unang araw na pagpapatupad ng motorcycle lane

HABANG tinitipa ito ay umabot na sa 265 sa loob ng mahigit tatlong oras pa lang na pagpapatupad ngayong araw ng motorcycle lanes sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA.

Nahuli ang 50 rito sa Macapagal Boulevard sa Pasay City na binigyan ng 15 minutong on the spot seminar ng MMDA saka nilagyan ng sticker ang kanilang mga motorsiklo bilang patunay na alam na nila ang bagong patakaran.

Kasama rin sa nahuli ay mismong mga tauhan ng MMDA, Department of Public Works and Highways (DPWH), mga pulis at militar.

Nasita rin ang mga hindi nagsusuot ng helmet habang pinapatakbo ang motorsiklo sa nabanggit na lugar.

Sa Oktubre 24 pa pagmumultahin ng P500 ang mga lalabag kasama na ang pagsasailalim sa mga ito sa seminar.

Sa ilalim ng nasabing patakaran, may tamang lane o daanan para sa mga motorsiklo at pwede lamang lumabas kapag liliko na.

Itinalaga ang 4th lane o pinaka-gitna ng Commonwealth Avenue para sa mga motorsiklo habang ang outermost o pinaka-kanang lane naman ang motorcycle lane sa Macapagal Boulevard.

Layunin ng programa, ani MMDA Chairman Francis Tolentino ay upang mabawasan ang aksidente ng mga motorsiklo.

Sa katunayan aniya, 30 porsyento sa mga naitalang aksidente ay sangkot ang mga motorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply