270 kilo ng botcha nasabat sa Pangasinan

NASABAT ng mga awtoridad ang may 270 kilo ng double-dead na karne sa Urbiztondo, Pangasinan.

Ayon kay Urbiztondo Officer In Charge Chief of Police Senior Inspector Ricardo Ubando, anim na suspek ang naaresto na nahulihan ng mga botcha.

Kabilang sa mga ito sina Jojo Molina, Marlon Padlan at Manolito Estrada.

Sinabi ni Ubando na bahay-bahay na inilalako ang mga botcha sakay ng kani-kanilang mga sasakyan ng masabat ng mga awtoridad.

Hinihinalang matagal nang ginagawa ng mga suspek ang pagbebenta ng botcha sa bahay-bahay na malaking peligro sa kalusugan ng makakakain nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply