2,885 katao nailikas ng PCG mula Nueva Ecija

PATULOY pa rin ang rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Central Luzon matapos salantahin ng nagdaang bagyong “Pedring” at apektado rin ng bagyong “Quiel.”

Nabatid kay PCG Spokeperson Lt. Commodore Alguer Ricafrente na umaabot na 230 tauhan ng coast guard ang kanilang ipinadala sa mga binahang lugar sa Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija..

Armado ang mga ito ng 18 rubber boats, bus, trucks at iba pang mga gamit upang mas mapadali ang pagtulong at paglilikas sa mga nasalanta.

Umaabot na sa 2,885 katao ang nailikas mula sa Nueva Ecija, 722 naman sa Bulacan habang sa Malabon at Navotas  ay 28 katao.

Nanatili naming nakabantay ang mga tauhan ng PCG sa nasabing mga lugar upang agad na matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply