3 ‘carjackers’ tepok sa parak

NASAWI ang tatlong hinihinalang carjackers makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Abad Santos Street, Barangay Salawag, Dasmariñas, Cavite.

Nabatid na agad binawian ng buhay ang dalawa sa mga suspek at hindi na umabot sa pagamutan ang isa pa habang nakatakas naman ang dalawa pang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Pinara ng mga pulis ang mga suspek na sakay ng asul na Toyota Vios at motorsiklo sa isang checkpoint ngunit hindi huminto at pinaharurot pa ng mga suspek ang kanilang mga sasakyan kaya’t hinabol ang mga ito ng mga awtoridad.

Nasakote ng mga pulis ang mga suspek sa Abad Santos st. at doon na nagkaroon ng palitan ng putok at napatay ang mga umano’y carjackers.

Narekober ng mga awtoridad ang tatlong .45 kalibreng baril sa mga napatay na suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply