3 ‘hijackers’ tepok sa parak sa Cavite

TATLONG hinihinalang hijackers ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Cavite, bago magmadaling-araw ng Biyernes, Oktubre 13.

Ayon sa panayam sa dzBB kay Superintendent Romeo Valero, ng provincial police intelligence unit, nakorner nila ang mga suspek sa Brgy. Manggahan sa General Trias.

“Itong mga suspected hijackers inagaw itong 10-wheeler na may dalang product na more or less P2 million,” ayon kay Valero.

Nabatid pa kay Valero na sinumbong ng mga nakakitang tinatangay ang truck pulisya kung kaya agad nilang narespundehan.

“Nang ma-corner sa area na ito nagkaroon ng palitan ng putok kaya natamaan ang tatlo sa mga suspects,” dagdag pa ni Valero.

Nabatid pa kay Valero na puwersahang pinababa ng mga suspek ang driver ng trak kasama ang pahenante nito sa General Trias.

Hindi naman agad nakilala ang mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply