3 Abu Sayyaf utas sa bakbakan sa Sulu

TATLONG miyembro ng Abu Sayyaf Group ang namatay sa patuloy na pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Sulu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong 6:30 ng umaga nang magsimula ang bakbakan sa Mt. Tukay sa Barangay Karawan sa bayan ng Indanan.

Nabatid na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang mga bandido sa pangunguna nina Akmadul Jumdail, alyas Doc Abu at Jemaah Islamiyah terrorists na sina Marwan at Mauwiyah.

Katuwang ng ground troops ang tatlong OV10 Broncho ng Air Force sa operasyon.

Sa inisyal na ulat, tatlong bangkay na ng mga bandido ang narekober gayundin ang dalawang M16 rifle, isang M14 at isang kalibre 45.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply