3 bangkay natagpuan sa nasunog na apartment

TATLO ang natagpuang bangkay sa nasunog na commercial apartment sa naganap na sunog kaninang medaling-araw sa commercial apartment sa Marcos Alvarez st., Barangay Talon Uno, Las Piñas.

Habang nagsasagawa ng mopping operation ang mga kagawad ng pamatay sunog ng Las Pinas Fire Protection, tumambad ang dalawang bangkay sa kalagitnaan ng natupok na apartment.

Kinilala ng katiwala ng pamilya Wong ang mga biktimang si Michael Wong at anak nitong si Shiela Wong, 20.

Dakong alas-7:00 na ng umaga nang matagpuan ang sunog na bangkay ng helper ng pamilya Wong na si Ben Taño. Ang mga biktima ay hinihinalang na-trap sa fire escape na nasa likuarang bahagi ng establisimiyento.

Ang sunog ay naganap dakong 1:30 ng medaling-araw na idineklarang fire under control dakong 3:00 ng madaling-araw.

Sinabi ni Fire Inspector Nilo Lumitao na iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, na at idineklarang fire-out kaninang alas-5:55 ng umaga bagama’t pinaniniwalaang nagsimula ang apoy sa auto supply kung saan sumiklab umano ang rechargeable battery ng mga sasakyan.

Tinatayang nasa P5 milyon halaga ang napinsala ng sunog kabilang na ang upholstery shop at pagawaan ng tarpaulin na naabo rin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply