3 bangkay ng sundalong namatay sa Basilan nasa Davao City na

NASA Davao na ang mga labi ng tatlo sa 19 sundalo na napatay sa engkwentro sa pagitan ng MILF sa Basilan kamakalawa.

Ala-1:20 kaninang hapon nang lumapag ang C130 cargo plane ng Phil. Air Force (PAF) na sinakyan ng mga bangkay nina Sgt. Bonifacio Mabalot, ng Tagum city; Pfc Ervin Dequtio na taga-Pigcauayan, North Cotabato at Pfc. Garry Colonia ng Tupi, South Cotabato.

Binigyan ng full military honors ang mga napatay na sundalo bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan.

Ang isa pang bangkay ng sundalo ay dumating na rin sa Cagayan de Oro City.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply